Tuloy-tuloy ang paghahatid ng tulong ng Armed Forces of the Philippines (AFP) katuwang ang Estados Unidos para sa mga nasalanta ng nagdaang Bagyong Julian sa Batanes.
Magkatuwang ang Philippine Air Force (PAF), Northern Luzon Command (NOLCOM) at US III Marine Expeditionary Troops sa paghahatid ng relief supplies na suportado ng US Indo-Pacific Command at USAID.
Aabot sa 1,000 family food packs mula sa DSWD, 1,000 shelter repair kits mula sa OCD, 2,500 tarpaulin sheets mula sa International Organization for Migration ang itinatawid mula Ilocos patungong Batanes sakay ng C130 aircraft.
Nagpasalamat naman ang commander ng NOLCOM na si Lt.Gen. Fernyl Buca sa patuloy na suporta ng Amerika sa paghahatid ng tulong sa mga nasalanta ng kalamidad.
Patunay lamang ito na hindi lamang nakasentro ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sa usaping militar kundi maging sa pagtugon sa mga krisis at sakuna. | ulat ni Jaymark Dagala