Inaasahan na lalago ang ekonomiya ng bansa sa mahigit 6% sa 2025 habang nasa 5.8% naman ngayong 2024 sa kabila ng kaliwa’t kanang hamon na kinahaharap ng Pilipinas.
Ang pinakahuling pagtaya ng IMF ay mas mababa sa naunang 6% para sa 2024 at 6.2% para sa 2025.
Ayon sa International Monetary Fund, bagaman bahagyang tinapyasan nila ang kanilang growth projection para sa 2024 at 2025, mananatiling isa sa ‘best performing economies’ pa rin ang Pilipinas sa Asya.
Sinabi ni IMF Team Mission Chief Eli Arbatli Saxegaard, ang nakikita nilang paglago ay susuportahan ng kasalukuyang financial condition at mas mataas na investment.
Paliwanag niya, ang projection cut ay bunsod naman ng nakikita nilang mababang private consumption dahil sa posibleng presyo ng pagkain.
Aniya, ang maliit na adjustment sa growth outlook ay hindi makaaapekto sa standing ng Pilipinas bilang isa pa rin sa pinakamataas sa rehiyon. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes