Malapit nang lumarga ang Electric QCity Bus ng Quezon City Government.
Inanunsyo ito ni QC Mayor Joy Belmonte na bahagi ng 14-point agenda ng pamamahala ng alkalde.
Ayon sa alkalde, 8 electric QCity bus ang malapit nang bumiyahe sa lungsod. Tampok dito ang 41 seating capacity, at wheelchair ramp at area para sa PWDs.
May SMART TV din sa loob ng mga bus upang mapanood ng mga pasahero ang iba’t ibang mga video ng mga programa at proyekto ng lungsod.
Ilalabas naman sa mga susunod na abiso ang magiging ruta ng bagong electric bus. | ulat ni Merry Ann Bastasa