Magpapatupad ang Bureau of Corrections ng e-Undas para sa mga PDL kung saan maari nilang tawagan o maka-video call ang kanilang mga mahal sa buhay na bumibisita sa sementeryo.
Paliwanag ng BuCor, ang proseso sa e-Undas sa kapareho lang din ng sa e-dalaw kung saan makakausap ng mga PDL ang kanilang mga kaanak at ito ay supervised o binabantayan pa rin ng kanilang mga tauhan.
Tiniyak din ng Bureau of Corrections na bukas ang kanilang tanggapan para sa mga gustong dumalaw sa PDLs.
Magkakaroon din ng Holy Mass sa tanggapan ng BuCor para naman sa paggunita sa lahat ng yumao. | ulat ni Lorenz Tanjoco