Inatasan na ni BIR Commissioner Romeo D. Lumagui Jr. ang lahat ng Revenue District Offices (RDOs) na iupgrade ang kanilang eLounges at magtalaga ng dedicated revenue personnel para alalayan ang mga taxpayer.
Nakasaad ito sa inilabas na Revenue Memorandum Order No. 39-2024 (RMO No. 39-2024), na layong mas mapadali ang pagbabayad sa buwis ng taxpayer.
Ayon kay Comm. Lumagui, personal nitong iikutin ang eLounge facilities ng RDOs para masigurong sumusunod ang mga ito sa upgrade.
Tiniyak naman nitong libreng magagamit ng taxpayers ang eLounge facilities at maaccess ang BIR eServices sa pagsusumite ng aplikasyon para sa registration, update ng registration, filing ng tax returns, at pagsusumire nh reports/attachments, at iba panh tax related transactions.
Mayroon lamang babayarang P150.00 convenience fee para sa ONETT applications via eONETT system.
Bukas ang eLounge facility mula 8:00 AM -5:00 PM. | ulat ni Merry Ann Bastasa