Emergency Preparedness and Response Protocols, pinagana ng OCD kaalinsabay ng Asia-Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction simula ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

All set na ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para sa gagawing Asia-Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction sa Pasay City na magsisimula ngayong araw.

Ayon sa Office of Civil Defense (OCD), “activated” o pinagana na ng pamahalaan ang Emergency Preparedness and Response Protocols para matiyak ang maayos na takbo ng conference na tatagal hanggang October 17.

Kasama sa ahensyang mangunguna rito ang National Capital Region Police Office (NCRPO), Bureau of Fire Protection (BFP), at mga local Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO).

Katuwang din ng OCD ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa pagmamando ng trapiko dahil libo-libo ang inaasahan nilang dadalo sa Ministerial Conference.

Samantala, nagsagawa naman ng inspeksyon sina Office of Civil Defense – NCR Director George Keyser at Department of Health (DOH) Undersecretary Gloria Balboa sa medical clinic ng Philippine International Convention Center (PICC) na siyang venue para sa conference.

Nabatid na layunin ng conference ang pagtalakay sa disaster risk challenges na kinakaharap ngayon ng Asia-Pacific Region at kung paano ito aaksyunan. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us