Ipinalabas ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila ang isang abiso ukol sa sitwasyon sa Ospital ng Maynila Medical Center at Gat Andres Bonifacio Medical Center ngayong araw.
Ayon sa Manila Public Information Office, puno sa ngayon ang emergency room at mga kwarto ng dalawang ospital. Pero sa kabila nito, patuloy pa rin ang pagbibigay ng mga ito ng mga serbiyong medikal.
At dahil sa kasalukuyang limitadong espasyo para sa mga bagong pasyente, hinihikayat ang publiko na kung maaari ay magtungo muna sa ibang pampublikong ospital sa lungsod para sa agarang atensyong medikal.
Nagpapaabot ng paumanhin ang mga ospital sa abalang dulot nito at nagpapasalamat sa pag-unawa ng publiko.| ulat ni EJ Lazaro