Pormal na nanumpa si Deputy Majority Leader for Communications Erwin Tulfo bilang miyembro ng partido Lakas CMD.
Mismong si Speaker Martin Romualdez ang nanguna sa panunumpa ni Tulfo, na siyang ika-112 miyembro ng Kamara na umanib sa partido.
Para kay Romuladez na siyang party president, isang valuable addition si Tulfo sa Lakas at kumpiyansa siya sa magiging kontribusyon niya sa partido at para sa bayan.
“Rep. Erwin Tulfo is a tremendous asset to both our party and the nation, embodying not only seasoned public service but also courage and integrity,” sabi ni Speaker Romualdez.
Tiwala rin ang House leader na ang adbokasiya ni Tulfo sa pagtulong sa mga naaapi at mahihirap ay makakatulong sa pagpapalakas sa hangarin din ng partido at pagsusulong sa legislative agenda ng pamahalaan.
“With Cong. Erwin on board, we are even more determined in our quest for meaningful change. His experience, leadership, and dedication to public welfare will be invaluable not just to Lakas-CMD but to the entire nation,” sabi pa niya.
Ngayong araw, inihain ni Tulfo ang kaniyang certificate of candidacy sa pagkasenador sa ilalim ng Lakas CMD.
Kabilang siya sa labindalawang kandidato na inendorso ng Alyansa Para Sa Bagong Pilipinas coalition. | ulat ni Kathleen Forbes