Binigyang-diin ni Finance Secretary Ralph Recto ang kahalagahan ng “intelligence” para mapangalagaan ang “borders” ng Pilipinas.
Ginawa ni Recto ang pahayag sa ginanap na Inter-Agency Intelligence Summit sa Southern Luzon.
Ayon sa kalihim mula sa pinansyal na perspektibo ang “intelligence” ay mas cost-effective na depensa upang mailigtas ang buhay at harapin ang mga banta sa borders.
Pinuri din nito ang Bureau of Customs sa kanilang intelligence effort kontra economic crimes gaya ng smuggling na nakaapekto sa ating mga magsasaka at mga kababayan.
Diin ng Finance chief, ang trabaho ng Customs ang nagsisilbing ilaw upang maprotektahan ang ating bansa.
Ang summit ay dinaluhan ng may 67 na mga ahensya ng gobyerno, bilang bahagi ng komitment ng Customs na palakasin ang ating depensa kontra elicit trade. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes