Nakuha ni Finance Secretary Ralph Recto ang suporta ni London Lord Mayor Alderman Michael Mainelli sa pagsusulong ng hangarin ng bansa sa artificial intelligence (AI) at climate finance.
Sa isang high level meeting sa Mansion House sa London kung saan inimbitahan ni Lord Mayor Mainello ang Pilipinas na sumali sa Ethical AI inititative ng UK, isang AI management program na isinasagawa ng humigit-kumulang 60 bansa.
Layunin ng inisyatibang ito na itaguyod ang etikal na pagdevelop at paggamit ng AI upang makalikha ang Pilipinas ng kultura ng teknolohiyang nakasentro sa tao na nagbibigay prioridad sa mga karapatan, privacy at dignidad.
Ipinangako din ng mataas na opisyal ng London ang kanyang suporta para sa mga layuning ng climate finance ng bansa sa pamamagitan ng pagtulong sa pagtatatg ng sustainability-linked policy performance bonds—isang alternatibo sa ESG (environment social and governance) financing.
Natalakay din ang pag tuklas sa possibleng kolaborasyon sa sector ng mining defensem security at renewable energy. | ulat ni Melany Reyes