Finance Sec. Recto, nangako na susuportahan ang DOH para sa pagpapatupad ng Universal Health Care

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nag-commit ang Department of Finance (DOF) sa Department of Health (DOH) na isusulong nito ang Universal Health Care para sa lahat ng mga Pilipino.

Ito ang inihayag ni Finance Secretary Ralph Recto kasunod ng kanilang pulong ni Health Secretary Ted Herbosa, kung saan tinalakay ng dalawang opisyal ang mga financing support para sa health-related projects and programs ng kagawaran.

Nangako din si Recto, na gawing agaran ang foreign donations sa DOH upang mapakinabangan agad ng publiko.

Kabilang na rito aniya ang mas pinadaling donation acceptance mula sa ibang bansa.

Ang mga donasyon kasi mula sa abroad ay karaniwang exempted ang duty tax depende sa consignee o recipient ng donasyon.

Kamakailan, magkatuwang ang dalawang ahensya sa pagsasapinal ng Philippine Global Health Agenda. | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us