Sinimulan na ngayong araw ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang 20-day Financial Literacy Drive para sa mga Pinoy worker sa probinsya ng Iloilo.
Ayon kay BSP Deputy Gov. Bernadette Romulo Puyat, makatutulong ito para sa mas mahusay na financial decisions gaya ng pagbili ng properties, pagsisimula ng negosyo, pag-iipon para sa edukasyon, paghahanda sa retirement at pagtatag ng financial resilience.
Umaabot sa 200 participants mula sa public at private sector, micro small and medium enterprise, at agri enterprise ang nakibahagi sa BSP activity.
Layon din ng Fin-Lit Drive na matugunan ang mababang bilang investment ownership ng mga Pilipino.
Base kasi sa BSP Financial inclusion Survey, 36% lamang ng mga Filipino adult ang may pagmamay ari ng investment product.
Matututunan din ng participants ang ginagawa ng BSP para mapanatili ang matatag na presyo ng mga bilihin, financial system at ang pagprotekta sa mga financial consumer.
Target ng BSP event na turuan ang mga Pinoy na gumawa ng smart decision at makapag ambag sa hangarin na “stronger” Philippines. | ulat ni Melany Valdoz Reyes