Ngayong hapon, tatlong first-time senatorial aspirants ang naghain ng kanilang kandidatura sa ikatlong araw ng filing ng Certificate of Candidacy (COC).
Si Robert Agad, unang beses sasabak sa pulitika ay nangakong tututok sa pagtulong sa overseas Filipino workers (OFWs) at pagbibigay ng trabaho kung maluluklok bilang senador.
Samantala, sa kabila ng kawalan ng trabaho sa kasalukuyan ay nagsumite rin ng kanyang COC si Khaled Casimra. Binanggit nito, na ang basic aqualification lamang na marunong magbasa at magsulat ay sapat na para tumakbo bilang senador.
Isa rin sa mga nag-file ngayong hapon si Ginoong Jimmy Salapantan, na tututok sa mga isyu ng ekonomiya, edukasyon, at healthcare. Tulad ni Agad at Casimra, ito rin ang unang pagkakataon na sasabak si Salapantan sa politika.
Sa ngayon, patuloy lamang ang pagtanggap ng Commission on Elections (COMELEC) ng mga COC basta’t kumpleto ang requirements na isusumite ng isang nais kumandidato.
Pero nangako ang COMELEC na mahigpit na sasalain nito ang lahat ng COCs na isusumite ng mga aspirant para sa 2025 midterm elections. | ulat ni EJ Lazaro