Umakyat ang foreign direct net inflows ng Pilipinas ng 5.5% sa buwan ng July 2024.
Ito ay katumbas ng $820-M mula sa $778-M nuong parehas na buwan ng 2023.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, ang mas pinahusay na foreign investments ay mula sa pamumuhunan ng non-residents at residents investments.
Base sa datos, karamihan sa equity ay sa capital placement mula sa bansang Japan, US, at Singapore na namumuhunan para sa sector ng manufacturing at real estate.
Pero mula January to June 2024, nanatiling top investors ang bansang United Kingdom, Japan at Estados Unidos. | ulat ni Melany Reyes