Naghain ng kanilang certificate of nomination and acceptance si Incumbent Anakalusugan Party-list Representative Ray Reyes kasama si Batangas Governor Hermilando Mandanas.
Ibinida ng mambabatas ang kanyang mga nagawa sa Kongreso kabilang na dito ang kanilang panawagan sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na paghusayin ang kanilang mga benefit package sa mga miyembro nito.
Aniya, sila ang nagsulong sa Kongreso na itaas sa156 ang dialysis treatment mula sa dating 96 free session bawat taon; at mula sa P2,000 na kada treatment isinulong din nila ang P4,000 na coverage per dialysis kaya halos libre na ang dialysis sa isang buong taon. | ulat ni Melany Valdoz Reyes