Gender-Responsive Disaster Risk Reduction, isinulong ni DND Sec. Teodoro sa Asia-Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction 2024

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyang-diin ni Defense Secretary Gilberto Teodoro, Jr. ang pangangailangan ng pagkakaroon ng gender-responsive at inclusive na disaster risk reduction system upang masigurong walang maiiwan, lalo na sa vulnerable sector.

Sa kanyang talumpati sa Asia-Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction 2024 sa PICC, sinabi ni Secretary Teodoro na may ilang sektor kabilang ang mga kababaihan, partikular na ang mga buntis, mga bata, matatanda, may mga kapansanan, at mga katutubo ang higit na naaapektuhan ng mga kalamidad.

Dahil dito, mahalaga aniyang tiyakin na ang mga programa ng pamahalaan sa disaster risk reduction ay nakatuon sa mga pangangailangan ng nasabing sektor.

Kasama sa mga hakbang ng pamahalaan ang pagbibigay ng suporta sa mga lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng capacity building.

Sa ganitong paraan, magiging mas epektibo aniya ang pagtugon ng mga LGU at ahensya ng pamahalaan sa iba’t ibang komunidad, batay sa kanilang pangangailangan.

Binanggit din ni Teodoro ang patuloy na pakikipagtulungan ng pamahalaan sa mga civil society organization at pribadong sektor upang makabuo ng mga plano sa disaster risk reduction, kabilang ang mga kinakailangang hakbang para sa kaligtasan ng ating mga kababayan kabilang ang vulnerable sector. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us