Genset, idineploy ng Ako Bicol sa ilang barangay na apektado ng bagyo para sa libreng charging ng telepono at ilaw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nag-deploy ng ilang generator set ang Ako Bicol Party-list sa mga barangay na apektado ng bagyong Kristine.

Isa dito ay sa Barangay San Roque sa Malilipot sa Albay.

Ito ay para mabigyang pagkakataon ang ilan sa mga apektadong residente doon na makapag-charge ng kanilang mga cellphone pati na rechargeable fans at lamps.

Mayroon ding ipinadalang generator set sa may Joroan covered court para magsilbing charging station.

Sinabi naman ni Camarines Sur Representative LRay Villafuerte na sinusubukan na nilang bumili ng dagdag ma rubber boats sa Maynila.

Bunsod na rin ito na nagkukulang ang bangkang pang rescue.

Gayunman, may pagka-antala ito dahil hindi rin makabiyahe ang mga rubber boat papuntang Quezon port bago dalhin sa Camarines Sur dahil binabaha na rin ang probinsya dahil sa bagyo. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us