Pinuri ni German Ambassador to the Philippines, Andreas Michael Pfaffernoschke ang ginagawang mga hakbang ng gobierno upang gawing madali ang pagnenegosyo sa Pilipinas.
Kamakailan nagpulong sila Ambassador Pfaffernoscke at Finance Sec. Ralph Recto upang talakayin ang mga economic prospect upang paunlarin ang kooperasyon ng bansa sa mga German investors.
Kinilala din ng sugo ng Germany ang Pilipinas bilang isa sa top performing economies at growth driver sa Southeast Asia, patunay na maganda ang investment environment ng bansa.
Sa naturang meeting, ibinahagi ni Recto sa German official ang mga inaabangan na pagsasabatas ng mga panukalang batas na lalong tutugon sa concerns ng mga foreign investors upang mas makaattract ng mga mamumuhunan sa clean and renewable energy, sustainable agriculture, waste-to-energy, technologies at iba pa.
Inihayag naman ng German ambassador ang kanilang suporta sa investment and trade promotion efforts ng bansa.
Ngayong taon, ipinagdiriwang ng dalawang bansa ang ika 70th year diplomatic relations nito.
Ang Germany ay “strong partner” at key contributor sa mga inisyatiba ng bansa gaya ng climate change mitigation and adaptation, environmental protection at biodiversity protection.| ulat ni Melany V. Reyes