Gagawin lahat ng gobiyerno ang mga hakbang upang mapanatiling mura ang bilihin upang maging merry ang pasko ng mga Pilipino.
Ginawa ni Finance Sec. Ralph Recto ang pahayag kasunod ng 1.9 September inflation outturn— pinakamababang inflation sa loob ng 4 na taon.
Sinabi ni Recto, may mga bagong “interventions” para tugunan ang food and non-food inflation.
Ang Anti-Agricultural Economic Sabotage Act na inaasahang pipigil sa talamak na smuggling, cartels, profiteering at hoarding ng mga agricultural products at titiyak sa food security.
Pinapalakas ng Department of Agriculture (DA) ang pagsisikap na ipatupad ang targeted measure upang protektahan ang mga magsasaka at pabutihin ang agricultural productivity.
Target din ng DA na makapag-procure ng 600,00 ASF vaccine para sa mga small swine raisers.
Habang ang Sugar Regulatory Administration (SRA) ay magpapatupad ng hakbang upang tugunan ang “fall armyworm” infestation at pagaanin ang epekto nito sa kalidad ng tubo.
Pinaiigting naman ang pagtugon sa non-food inflation gaya ng staggered electricity rate hike at mandatory implementation ng higher biodiesel blend ng 3 percent mula sa dating 2 porsiento.| ulat ni Melany V. Reyes