Guro, inabsuwelto ng QC RTC sa kasong pag-upload ng ‘VIP’ traffic video

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ibinasura ng Quezon City Regional Trial Court (QC-RTC) ang kaso laban sa isang guro na nag-upload ng video ng isang pulis na nagsabing convoy ni Vice President Sara Duterte ang nagdulot ng traffic sa Commonwealth Avenue sa lungsod.

Kinasuhan noon ng pulis na si PEMS Verdo Pantollano ang guro na si Janus Munar dahil sa paglabag sa Article 154 ng Revised Penal Code on unlawful means of publications at Republic Act 7610 on child abuse, na parehong may kaugnayan sa Cybercrime Prevention Act of 2012 (RA 10175).

Sa inilabas na desisyon ng QC RTC Branch 104, hindi isang krimen ang mga alegasyon laban kay Munar.

Sinabi ni Atty. Chel Diokno, abogado ni Munar, ang desisyon ng korte ay dapat magsilbing aral sa mga taong may awtoridad na huwag gamitin ang batas laban sa kanilang kapwa Pilipino.

Una dito, tinanggal sa puwesto si Pantollano matapos mag-viral ang video kung saan pinahinto niya ang traffic sa Commonwealth Avenue dahil dadaan umano ang convoy ng isang VIP.

Kinalaunan ay sinabi nitong ang Bise Presidente ang dumaan na agad namang itinanggi ng Office of the Vice President. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us