Opisyal nang naupo sa pwesto si Indonesian President Prabowo Subianto bilang ikawalong pangulo ng Indonesia.
Ito ay matapos makapanumpa sa pwesto sa People’s Consultative Assembly / House of Representatives Building, Jakarta, na sinaksihan mismo nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta – Marcos.
Present rin sa kaganapan si Brunei Darussalam Sultan Hassanal Bolkia, Singaporean Prime Minister Lawrence Wong, Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim, at iba pamg matataas na opisyal mula sa Japan, Egypt, Estados Unidos, Germany, KSA, Thailand, Laos, at iba pang bansa.
Pasado alas-9 ng umaga, nang magdatingan ang mga kinatawan ng iba’t ibang bansa, kung saan personal silang sinalubong ni HE Subianto.
Ngayong araw (October 20), nakapanumpa na rin sa pwesto si Indonesian Vice President Gibran Rakabuming Raka. Ito ang anak ng kabababa lamang na Indonesian President Joko Widodo.
Una nang sinabi ng Malacañang na ang pagsaksi na ito ng Pangulong Marcos sa mahalagang bahagi ng kasaysayan ng Indonesia ay sumasalamin lamang sa malalim at patuloy na pagkakaibigan ng Pilipinas at Indonesia.
Nagpasalamat naman si Indonesia President Subianto, at aniya isang karangalan na sinadya ng mga lider at kinatawan ng iba’t ibang bansa ang kaganapang ito, sa kabila ng kanilang abalang schedule.
“We want to be a good neighbor.” —Indonesia President Subianto.| ulat ni Racquel Bayan