Pumalo na sa Php 1.69 billion ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura dahil kay bagyong Kristine.
Sa ulat ng Department of Agriculture-DRRM Operation Center, naitala ang grabeng pinsala sa Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Western at Eastern Visayas at SOCCSARGEN.
Labis na naapektuhan ang mga pananim na palay, mais, cassava, high value crops, livestock and poultry at mga pasilidad sa agrikultura.
Kabuuang 42,346 na magsasaka at 37,590 na agricultural lands ang apektado at pagkalugi sa produksyon na abot sa Php 108,266 metric tons.
Tiniyak ng DA na may nakahanda na silang interventions para sa mga apektadong magsasaka.
Bukod dito ang pagpapakalat ng KADIWA Outlets sa mga apektadong lugar.| ulat ni Rey Ferrer