Nakapagtala na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng higit sa 37,000 pamilya o 165,359 indibidwal na apektado ng malalakas na ulang dala ng easterlies.
Karamihan sa mga apektado ay naitala sa Davao Region, Soccsksargen, at BARMM.
Batay din sa datos ng DSWD Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, mayroon pang 26 na pamilya o katumbas ng 117 indibidwal ang nananatili pa sa evacuation center.
Kaugnay nito, tiniyak naman ng DSWD na sapat ang pondo nito para umayuda sa mga apektado ng pag-ulan.
Sa kasalukuyan, nakapagpaabot na ito ng ₱635,000 na tulong at mayroon pang kabuuang ₱2.7 billion ang hawak na relief resources ng ahensya sa kanilang stockpile ng food at non-food items pati na standby funds. | ulat ni Merry Ann Bastasa