Nakapagtala na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng inisyal na 1,813 pamilya o higit sa 2,300 indibidwal na apektado ng mga pag-ulang dala ng bagyong Kristine.
Sa ngayon, karamihan ng mga apektado ay nagmula sa Bicol Region at Soccsksargen.
Batay din sa datos ng DSWD Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, as of 6am, mayroon nang 184 na pamilya o katumbas ng 737 indibidwal ang pansamantalang inilikas sa evacuation centers.
Kaugnay nito, tiniyak naman ng DSWD na sapat ang pondo nito para umayuda sa mga apektado ng pag-ulan.
Sa kasalukuyan, mayroon pang kabuuang P2.9-billion ang hawak na relief resources ng ahensya kabilang ang stockpile ng food at non-food items pati na standby funds. | ulat ni Merry Ann Bastasa