Aabot ngayon sa 180 pamilya o katumbas ng 654 na mga indibidwal ang nananatili sa evacuation centers sa Valenzuela City bunsod ng epekto ng bagyong Kristine.
Sa tala ng City Social Welfare and Development, sa kasalukuyan ay may limang bukas na evacuation sites sa lungsod.
Pinakamarami ang nananatili sa Valenzuela National High School sa Brgy. Marulas kung saan aabot sa 138 pamilya o 495 na indibidwal ang nananatili.
Kaugnay nito, tuloy-tuloy naman ang pagde-deploy ng Libreng Sakay trucks ng LGU para sa mga commuter na mahihirapang sumakay ngayong masungit ang panahon. | ulat ni Merry Ann Bastasa