Sinimulan nang kilalanin ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) ang tagumpay ng mga natatanging mag-aaral na nagsipagtapos sa 2024 Year-end Commencement Exercises.
Nagsimula ang serye ng pagmamartsa ng PUP graduates kahapon, October 2 na isinagawa sa Philippine International Convention Center.
Ayon sa PUP, nasa higit 9,000 PUP graduates mula sa Sta. Mesa Campus ang bida sa commencement exercise na magpapatuloy hanggang sa Biyernes, October 4, 2024.
Bawat cluster naman ay may tampok na guest speakers mula sa iba’t ibang sektor gaya sa gobyerno, business, at media.
Kabilang dito sina DBM Sec. Amenah Pangandaman, PWC Philippines Chair at Senior Partner Roderick Danao, Acting Presidential Communications Secretary Cesar Chavez, Sen. Sherwin “Win” Gatchalian, Leyte 3rd District Rep. Vicente “Ching” Veloso, GMA Broadcast Journalist Rowena Salvacion, Baguio’s Lone District Marquez “Mark” Go, Marikina’s 2nd District Stella Luz Quimbo, at Sen. Lorna Regina “Loren” Legarda.
Nakatakda ring tumanggap sina Sen. Gatchalian at Sec. Pangandaman ng honorary doctorate degrees sa Public Administration, habang sina Mr. Danao, Sec. Chavez, Rep. Veloso, Ms. Salvacion, Rep. Go, Rep. Quimbo, at Sen. Legarda ay gagawaran ng Tanglaw ng Bayan Awards. | ulat ni Merry Ann Bastasa