Umabot na sa higit kalahating milyon ang inisyal na halaga ng pinsala sa mga pasilidad ng electric cooperatives (ECs) bunsod ng pagtama ng bagyong Julian.
Sa latest power monitoring report ng National Electrification Administration (NEA), kabilang sa mga naapektuhan ang power coops sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon at CAR
Kaugnay nito, mayroon pang 22 electric cooperatives mula sa 17 lalawigan ang naapektuhan ng bagyo.
Normal naman ang operasyon ng 17 apektadong ECs bagamat mayroong dalawang power coop nakaranas ng partial power interruptions. | ulat ni Merry Ann Bastasa