Pinapurihan ni House Appropriations Committee Chairman Elizaldy Co ang pagsisikap ng administrasyon ng Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. para makamit ang 1.9% inflation rate.
Ang naturang inflation rate para sa buwan ng Setyembre ang pinakamababa sa loob ng apat na taon.
Batay sa Philippine Statistics Authority (PSA) malaking ambag sa pagbagal ng inflation ang pagbaba sa presyo ng pagkain, non-alcoholic beverages, at transport.
Tinukoy din aniya ni National Statistician Dennis Mapa ang malaking pagbaba sa presyo ng essential goods gaya ng gulay, petrolyo at isda.
Iginiit naman ni Co na ang whole-of-government approach ng pamahalaan gaya na lang ng bawas taripa sa imported rice, ay nakatulong din para ma-stabilize ang presyo ng mga bilohin para sa mga Pilipino.
Kaya naman mahalaga na mazabayan din ang mga short-term measures na ito ng pangmatagalang istratehiya gaya ng legacy projects on food security, para mapalakas ang produksyon ng agrikultura.
Pagsiguro pa niya na handa ang Kongreso na pagtibayin ang mga lehislasyon at maglaan ng sapat na pondo para mapalakas ang agriculture sector.
Sinegundahan din ni Co ang panawagan ni NEDA Sec. Arsenio Balisacan na mamuhunan sa agrikultura.
Mahalaga ani Co na maisaayos din ang irrigation systems at post-harvest facilities, at bigyan ang mga magsasaka ng access sa high-quality seeds at modernong teknolohiya.| ulat ni Kathleen Forbes