House contingent, kinokonsulta ang OFWs sa panukalang pagtatatag ng Migrant Worker Relations Commission

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kasalukuyang nasa The Netherlands ang House contingent na nagsasagawa ng konsultasyon sa mga overseas Filipino worker (OFW) tungkol sa House Bill 8805 o panukala na bubuo sa Migrant Workers Relations Commission (MWRC).

Kabilang sa mga mambabatas na umiikot ngayon sina Committee on Government Reorganization Chair Jonathan Keith Flores, House Committee on Overseas Workers Affairs Chair Jude Acidre, at Kabayan Party-list Ron Salo na siyang may akda ng panukala.

Kinukuha ng mga mambabatas ang sentimiyento ng mga migrant workers’ organizations, Philippine Overseas Labor Officers (POLO), at mga opisyal ng Philippine Embassy ukol sa panukala.

Ang MWRC ang magiging counterpart ng National Labor Relations Commission (NLRC) ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Magiging attached agency ito ng DMW.

Pagtutuunan nito ang mga labor cases ng OFWs at magkakaroon ng quasi-judicial powers gaya ng NLRC.

Sa paraang ito, mas matututukan at mapapadali ang pagdinig at pagresolba sa claims at dispute ng Filipino migrant workers.

Asahan na ayon sa mga mambabatas, na iikot pa sila sa ibang mga bansa lalo na sa may malaking bilang ng OFWs para sa konsultasyon. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us