Kailangang maamyendahan muna ang Universal Health Care Law upang makamit ang tunay na pagbabago sa PhilHealth.
Ito ang binigyang diin ni House Deputy Majority Leader Janette Garin kasunod ng panawagan na magbitiw o palitan na ang pinuno ng Philhealth.
Aniya kahit ilang beses palitan ang pinuno ng PhilHealth, ngunit hindi naman maamyendahan ang batas ay hindi rin makakamit ang tunay na hangarin ng UHC Law.
Panawagan ng physician-lawmaker sa Kamara at Senado, gawing prayoridad ang amyenda sa UHC.
Kabilang sa mga dapat aniyang ayusn ng ‘killer provisions” gaya ng nakasaad sa Section 34 ng batas kung saan kailangan pa dumaan sa Phase 4 clinical study ng mga gamot, bakuna at medical devices.
“With this requirement of Phase IV, Filipinos will have no recourse but to go to other countries to gain access to any breakthrough in science. This Section 34 of UHC is just one of the many provisions deemed restrictive and detrimental to health care accessibility,” saad ni Garin
Sa 18th Congress pa itinutulak ni Garin ang amyenda sa UHC law. | ulat ni Kathleen Forbes