House Panel Chair, dinipensahan ang alaala ng namayapang dating Pangulong Marcos Sr. sa gitna ng mga pahayag ni VP Sara Duterte

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dinipensahan ni House Committee on Public Order and Safety Chair Dan Fernandez ang alaala at legasiya ng namayapang dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr. sa gitna ng kontrobersyal na pahayag ni Vice President Sara Duterte.

Giit ni Fernandez, kahit na napatalsik ang dating Pangulo, hindi makakaila na malaki pa rin ang naiambag at nagawa niya para sa Pilipinas.

“Kahit sabihin na natin na inakusahan siya na diktador at napatalsik siya ng ating mga kababayan. [But] at the end of the day, we have to accept na he made a lot of things for the Filipino people,” saad niya.

Matatandaan na sa press conference ng Pangalawang Pangulo noong nakaraang linggo, October 18, kanyang ibinahagi na minsan niyang sinabihan si Senador Imee Marcos na huhukayin ang labi ng ama nito na si dating Pangulong Marcos Sr. at itatapon sa West Philippine Sea (WPS).

Ani Fernandez, masakit ang mga ganitong salita na galing pa mimso sa isang opisyal ng bansa.

“Masakit po yung mga ganitong klaseng salita na hindi na po dapat sabihin na nanggaling sa isang opisyal ng ating bansa. We have to be careful with our statements, kasi hahabulin at hahabulin tayo ng panahon at pagkakataon,” sabi pa niya. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us