House panel chair, iminungkahi ang Joint Congessional Inquiry, ukol sa war on drugs

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iminungkahi ngayon ni House Committee on Dangerous Drugs Chair Robert Ace Barbers na magsagawa na lang ng isang joint Congressional Inquiry ang Kamara at Senado hinggil sa isyu ng war on drugs.

Ayon kay Barbers kung mayroon nang ginagawang imbestigasyon ang Kamara at may hiwalay din sa Senado, bakit hindi na lang aniya magsama ang dalawang Kapulungan.

Aniya, mas magiging malawak at komprehensibo at mas maraming intelihenteng mga katanungan ang maitatanong ng magiging miyembro ng Joint Congressional Committee.

“Now, my opinion, I’m sure my colleagues here, my co-chairs meron din silang sariling opinion, ang opinion ko, eh kung meron ang Senate, meron din ang House, bakit di nalang natin pag-isahin parang Bicam? Ang dating, isang joint committee hearing, nandyan ang Kongreso, nandyan ang Senado, at nandyan ‘yong ating imbestigasyon. I think mas malawak, mas komprehensibo, at mas maraming intelligent questions na maitatanong ang mga miyembro nitong committee na ito,” ani Barbers, na over-all chair ng Quad Committee.

Sinusugan ito ni Committee on Public Order and Safety Chair Dan Fernandez.

Aniya, kung ganito ang mangyayari ay mapapabilis din ang pagsusulong ng mga panukalang batas para tugunan ang mga isyu na kanilang iniimbestigahan.

“Para mapabilis, remember two weeks ago nag-file kami ng dalawang bills, ‘yon pong declaring EJKs as a heinous crime, at saka ‘yong pag-stop ng POGO. Now, ‘yong magiging syncing ‘yong Upper and Lower House, pagdating sa ganitong klase ng investigation at bills na finile natin, by December ang order ng Presidente tigil. Kung hindi natin maaaprubahan ang POGO Bill na we filed together with the Upper House, e mababalewala po ‘yong ating ginawang submission or filing of that two bills. Mas maganda po para mapabilis ang ating pagkilos ay magsama na ang Senado at Kongreso,” ani Fernandez.

Nilinaw naman ni Barbers na ito ay ngayon lamang nila naisip at kailangan pang aralin bago i-akyat at ikonsulta sa House Speaker at Senate President.

Sinabi pa ni Barbers, kung sakaling pagbigyan, maaaring makibahagi at magtanong din dito sina Senador Bong Go at Senador Bato Dela Rosa na dinadawit sa isyu ng pagbibigay pabuya sa war on drugs na nagresulta sa pang-aabuso at EJK. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us