House Quad Committee, nangakong maisisilbi ang hustisiya sa pamilya ng naulila ng mga biktima ng EJK

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nangako si House Quad Committee lead panel Chairperson Robert Ace Barbers tutulong sila upang makamit ang hustisya ng mga pamilya ng biktima ng extra judicial killing (EJK) noong war on drugs ng dating administrasyon.

Ayon kay Barbers, hindi hihinto ang Quad Committee at gagawin ang kanilang tungkulin bilang mambabatas hanggat hindi nila nakakamit ang hustisya.

Sa ika 8th joint hearing, dumalo ang mga pamilya sa pagdinig upang ihayag ang kanilang nalalaman at dinanas sa pagkamatay ng kanilang mga kaanak.

Tiniyak ni Rep. Barbers, na handa ang Quad Comm na dinggin ang mga istorya at ipaglaban ang kanilang karapatan.

Ayon pa sa mambabatas, mananatiling bukas ang pintuan ng House of the People sa mga biktima, kapamilya at testigo na nais ibahagi ang kanilang karanasan sa brutal na war on drugs. | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us