House Speaker, kinilala ang matagumpay na pakikipag-diyalogo ni PBBM sa world leaders sa ASEAN Summit

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinilala ni Speaker Maritn Romualdez si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kaniyang paninindigan na irespeto ang international law at rules-based order sa rehiyon upang maisulong ang kapayapaan, katatagan at kasaganahan.

Saad ng lider ng Kamara, kapuri-puri ang malinaw at maprinsipyong pagtindig ng punong ehekutibo sa ASEAN Summit at bilateral meetings kasama ang iba pang world leaders, na nagpapahayag ng dedikasyon ng Pilipinas sa pag-protekta ng ating territorial integrity at pagsusulong ng kapayapaan sa rehiyon.

“President Ferdinand R. Marcos, Jr.’s his firm and resolute leadership in advocating for a rules-based international order in the South China Sea deserves our commendation,” sabi ni Speaker Romualdez.

Kasama rin dito ang pagtayo ng presidente sa interes ng Pilipinas sa West Philippine Sea kasama na ang karapatan ng ating mga mangingisda na makapaghanapbuhay nang hindi natatakot sa harassment o pag atake.

“It was meant to secure for our nation, our people and our posterity the benefits of the rich mineral and potential oil deposits and other resources in our Exclusive Economic Zone which international law has granted us the right to explore, manage, and exploit.” sabi pa ng House Speaker

Sa isinagawang ASEAN Summit maging sa mga diyalogo kasama ang China, South Korea, Japan, Canada, India at Australia– nakita niya kung paanong sinamantala ng Pangulong Marcos ang lahat ng pagkakataon upang itulak ang pagrespeto sa international law.

“President Marcos’ diplomatic efforts in Laos resonate deeply with our shared goal of regional security. His leadership reinforces our pursuit of peace, security, and cooperation among nations, especially in these times of heightened tensions in the South China Sea,” dagdag ni Romualdez.

Kumpiyansa ang House Speaker, na ang naging pakikipag-ugnayan ng Pangulo sa iba pang mga lider ay magreresulta sa mas mabungang relasyon hindi lang sa ASEAN member-states ngunit sa kalakhan ng international community. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us