Huling limang pelikula na kalahok sa MMFF 2024, inanunsyo na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inanunsyo na ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ang huling limang opisyal na pelikula para sa kanilang ika-50 edisyon ngayong taon.

Sa isang press conference na ginanap sa isang mall sa Mandaluyong, kabilang kasama sa 10 na mga napiling pelikula ang “My Future You,” “Uninvited,” “Topakk,” “Hold Me Close,” at “Espantaho.”

Dumalo sa nasabing okasyon ang ilang mga prominenteng personalidad.

Ayon kay MMFF chairperson at MMDA Chairman Atty. Don Artes, ang selebrasyon ng ika-50 taon ng festival ay hindi lamang paggunita sa nakaraan, kundi pati na rin paghahanda sa mas maliwanag na kinabukasan ng pelikulang Pilipino.

Magsisimulang mapanood sa mga sinehan ang 10 pelikula na kalahok sa MMFF 2024 sa December 25, 2024, hanggang January 7, 2025.

Isasagawa naman ang MMFF Float Parade sa December 14 o 15 habang ang awards night ay sa December 27.| ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us