Puspusan ang ginagawang paghahanda ng Office of Civil Defense – National Disaster Risk Reduction and Management Council (OCD-NDRRMC) sa epekto ng bagyong Kristine.
Sa pulong balitaan na pinanguhan ni OCD Spokesperson Director Edgar Posadas, nagbigay ng update ang mga regional offices ng OCD kaugnay sa sitwasyon sa kanilang mga lugar.
Sa ngayon, ang Region 5 o Bicol Region ang kasalukuyang nakararanas n ng matinding epekto ng bagyo kung saan nakataas ang Signal No. 2 sa Catanduanes.
Ayon kay Claudio Yucot, Director ng Office of Civil Defense ng Bicol Region at Chairperson ng RDRRMC, nakararanas na sa ngayon ng malakas na mga pag-ulan at mga pagbaha ang rehiyon.
Umabot na rin sa mahigit 1,900 na pamilya o mahigit 2,300 na indibidwal ang mga apektado ng bagyo. Habang nasa 195 na pamilya o mahigit 700 na indibidwal ang mga nasa evacuation center sa Catanduanes, Camarines Norte, Camarines Sur, and Masbate.
Nagpaalala rin si Dir. Posadas na sa mga vulnerable community na makipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan para matiyak ang kanilang kaligtasan.| ulat ni Diane Lear