Sa ika-apat na araw ng paghahain ng certificate of candidacy (COC) sa Commission on Elections (Comelec) QC sa Amoranto Sports Complex, nanatiling walang kalaban si Quezon City Mayor Joy Belmonte.
Ayon sa Comelec QC, isa pa lamang ang naghahain ng kandidatura para sa pagka-alkalde at bise-alkalde sa lungsod.
Naging matumal din ang paghahain ng COC para sa pagka-konsehal kung saan umabot lang sa walo ang naghain ngayong araw.
Sa bilang na ito, anim ang naghain sa pagka-konsehal sa Distrcict 4, isa sa District 3, at isa rin sa District 1.
Inaasahan naman na tataas pa ang bilang ng mga maghahain ng COC sa mga susunod na araw lalo na sa October 8 na huling araw ng COC filing.
Matatandaang sa unang araw ng COC filing, nakapaghain ng COC si Belmonte para sa muling pagtakbo bilang alkalde ng Quezon City. Gayundin ang kaalyado niyang si Gian Sotto para sa bise-alkalde.
Sinabi ni Belmonte, na masyado pang maaga upang sabihing wala siyang makalalaban dahil hindi pa nagtatapos ang COC filing. | ulat ni Diane Lear