Pormal nang pinasinayaan ng Quezon City Local Government ang dalawang end-of-trip cycling facilities sa loob ng Ismael Mathay Sr. High School.
Sa kabuuan, umabot na sa 15 sets ng bike shed ang operational na sa Lungsod Quezon.
Ayon sa LGU, kumpleto ito sa bike racks, shed at repair stations.
Prayoridad umano ang paglalagay ng mga bike shed sa pampublikong paaralan sa QC upang mahikayat ang mga estudyante na ugaliin ang active lifestyle at pagbibisikleta.
Kasabay ng programa ang bike lessons para sa mga estudyante ng nasabing paaralan.
Tinuruan sila ng values formation sa daan, tamang hand signals, basic first aid, bike repairs at mismong ang pagbibisikleta.| ulat ni Rey Ferrer