May 75 katutubong pamilyang Manobo-Tinananon sa Barangay Libertad, Arakan, Cotabato ang nakatanggap na ng pabahay mula sa National Housing Authority (NHA).
Ang mga pamilyang ito ay kabilang sa displaced families dahil sa nangyaring malakas na lindol na nagyari noong 2019.
Ayon kay NHA XII Regional Manager Engr. Zenaida Cabiles, ang kaloob na pabahay ay parte ng 151-unit housing project na nagkakahalaga ng Php49,709,500.
May natitira pang 33 units sa Sitio Lomunday at 43 pa sa Sitio Mambino, Barangay Ganatan ang inaasahang matatapos na ang konstruksyon sa susunod na buwan.
Ang pabahay ay ginawa sa ilalim ng NHA’s Housing Assistance Program for Calamity Victims (HAPCV) sa pakikipagtulungan ng Office of Civil Defense XII, provincial government ng Cotabato at lokal na pamahalaan ng Arakan.
Sa kanyang mensahe, hinikayat ni Engr. Cabiles ang mga benepisyaryo na ingatan at pagyamanin at huwag ibenta ang regalong pabahay ng gobyerno.| ulat ni Rey Ferrer