Tututok ang pagdinig ng Quad Committee sa Biyernes sa usapin ng extrajudicial killing (EJK).
Ayon kay Quad Comm Lead Chair Robert Ae Barbers, bibigyan nila ng pagkakataon na makapaglahad ng kwento ang mga pamilya ng sinasabing biktima ng EJK.
Kabilang dito ang siyam na taong gulang na bata, na tinamaan ng ligaw na bala sa gitna ng shoot-out sa pagitan ng mga pulis at dalawang drug suspect.
Kinumpirma rin ni Human Rights Committee Chair Bienvenido Abante, co-chair ng joint panel committee, na may mga pamilya rin na haharap na biktima ng EJK sa Cebu noong panahon ng pagiging police chief ni dating PCSO General Manager Lt. Col. Royina Garma.
Gayundin ang isang ‘tokhang’ survivor noong panahaon ni dating Batasan Station 6 Chief Col. Lito Patay. | ulat ni Kathleen Forbes