Ilang bayan pa rin sa Laguna ang nananatiling baha ayon kay Sta. Rosa City Representative Dan Fernandez kahit pa nakalabas na ng bansa ang bagyong Kristine.
Partikular aniya dito ang mga komunidad na malapit sa Laguna se Bay.
Paliwanag ni Fernandez, bagamat humupa na ang baha sa kalakhan ng probinsya, ang mga barangay malapit sa lawa ay nakararanas pa rin ng pagbaha dahil patuloy ang pagbaba o pag-drain ng tubig mula sa kalapit lugar papunta sa Laguna de Bay.
Karamihan naman aniya ng mga residente doon ay piniling hindi lumikas, kaya ito aniya ang kanilang sinusubukang mahatiran ng relief packs.
“So ang tubig na nanggagaling dito sa kabayanan unti-unti bumababa pa yan. So ‘pag bumababa yan dumadami pa lalo ang nakatira pa rin sa lakeshore na lalong lumalalim ang kanilang sitwasyon…at ito yung aming tutulungan ang mga hindi pumupunta sa evacuation center dahil hindi sila naaabot, hindi sila lumilikas gusto nila proteksyonan ang kanilang bahay,” paliwanag ni Fernandez. | ulat ni Kathleen Jean Forbes