Bukod sa mga tsuper ay umaaray na rin ang ilang delivery rider sa Quezon City dahil sa panibagong taas-presyo sa gasolina ngayong araw.
Epektibo kaninang alas-6 ng umaga, ipinatupad na ng mga kumpanya ng langis ang dagdag na ₱2.65 kada litro ng gasolina.
Ayon sa ilang mga rider na nakapanayam ng RP1 team, dahil sa taas-presyo sa gasolina, tiyak na mababawasan na naman ang kanilang kita.
Ang karaniwan nga raw na ₱100 na pinanggagasolina ay magiging ₱120 na ngayon.
Para makabawi, plano ng mga rider na magdagdag na naman ng oras ng trabaho para mas malaki ang komisyon at kita na maiuuwi sa pamilya.
Kabilang dito si Mang Jovanie na gagawin nang 14 na oras ang biyahe mula sa dating 10-12 oras. | ulat ni Merry Ann Bastasa