Nag-abiso na sa mga motorista ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa pagsasara ng mga kalsada simula mamayang alas-7 ng gabi hanggang November 3 para sa paggunita ng Undas.
Kabilang sa mga isasara na kalsada ay:
- Kahabaan ng Aurora Boulevard mula Dimasalang Road patungong Rizal Avenue.
- Kahabaan ng Blumentritt Road mula A. Bonifacio Road patungong P. Guevarra Street.
- Kahabaan ng Retiro Street mula Dimasalang Road hanggang Blumentritt Extension.
- Kahabaan ng Maceda Street mula Makiling Street hanggang Dimasalang Road.
- Dimasalang Road mula Makiling Street hanggang Blumentritt Road.
- At P. Guevarra Street mula Cavite Street hanggang Aurora Boulevard.
Samantala, bukod sa mga isasarang kalsada, may rerouting din ng mga sasakyan.
- Para sa mga magtutungo sa La Loma at Chinese Cemeteries, pwedeng daanan ang Rizal Avenue o kaya ay J. Abad Santos Avenue patungo sa paroroonan.
- Lahat ng mga manggagaling sa Blumentritt Road ay kakaliwa sa Cavite Street o kaya ay kakanan sa Cavite Street at kakanan sa Leonor Rivera patungong destinasyon.
- Lahat ng trailer trucks/heavy vehicles mula A.H. Lacson Avenue at Dimasalang Road, ay pwedeng dumiretso sa Yuseco Street patungong destinasyon.
- Lahat ng mga magmumula sa Dimasalang Road at Blumentritt Road ay pwedeng kumanta sa Makiling Street, diretso sa Blumentritt Extension patungo sa kanilang destinasyon.
Dahil sa pagsasara ng mga kalsada sa Manila North Cemetery, may inilaang parking areas sa mga sumusunod na lugar:
- P. Guevarra Street mula Blumentritt Road hanggang Aurora Boulevard.
- F. Huertas Street mula Blumentritt Road hanggang Aurora Boulevard.
- Oroquieta Street mula Blumentritt Road hanggang Aurora Boulevard.
- Simoun Street, mula Dimasalang Road hanggang Blumentritt Street. | ulat ni Mike Rogas