Ilang kalsada sa Valenzuela, baha pa rin

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nananatiling hindi passable para sa maliliit na sasakyan ang ilang kalsada sa Valenzuela City bunsod ng magdamag na ulang dala ng bagyong Kristine.

Sa T. Santiago Street sa Barangay Lingunan, tanging mga truck, at mga nagbabakasakaling motor, tricycle, at mga nagbibisikleta ang tumatawid sa bahang kalsada.

May ilang motor nga ang tumirik na at may iba namang sasakyan na nagmamaniobra at bumabalik na lang.

Walang pasok sa Valenzuela para sa mga kawani ng gobyerno at mga estydyante pero sa ilang manggagawa sa factory na malapit dito, kanya-kanyang diskarte para makatawid at makapasok sa trabaho.

Ang ganitong sitwasyon, normal na raw dito sa Lingunan kapag mataas ang baha dahil sa umaapaw na Lingunan Bridge.

Ayon sa ilang residente, kagabi umabot pa sa halos bewang ang baha dito.

Dahil sa baha, may ilang residente ng Brgy. Lingunan ang inilikas na rin.

Sa huling tala ng Valenzuela LGU, higit 300 indidbiwal ang nananatili sa apat na bukas sa evacuation centers sa lungsod. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us