Sa pagpapatuloy ng isinasagawang Certificate of Candidacy (CoC) filing sa Manila Hotel “The Tent City,” naghain ang ilang mga representate ng iba’t ibang sektor ang naghain ng kanilang CoC sa pagka senador.
Kabilang dito si animal welfare advocate Norman Marquez na isusulong na maresolba ang lumalalang problema ng animal.
Si Mark Gamboa, isang vlogger na tatakbo sa pagka senador, isusulong ang kapakanan ng mga content creators, bloggers, freelancers at online sellers.
Ang security guard na si Phil Delos Reyes na umaasang mabibigyan siyang pagkakataon na makatakbo bilang senador dahil nuong nakaraang halalan ay idineklara siyang “nuisance candidate.”
At ang dating naghain ng certificate of candidacy for presidential na si Happy Lubarbio, isang biotech company owner ay muling susubok na tumakbo naman ngayon sa karera ng pagka senador.| ulat ni Melany V. Reyes