Ipinaabot ni Navotas Representative Toby Tiangco ang kaniyang pagbati kay Caloocan Bishop Pablo Virgilio David sa kaniyang pagkakatalaga bilang Kardinal.
Ayon kay Tiangco, sa 41 taon ng pagiging pari at 18 taon bilang obispo, ginugol ni Cardinal David ang kaniyang buhay sa pagpapalakas ng mga komunidad sa pamamagitan ng pananampalataya at serbisyo.
Dasal naman ng mambabatas na mabigyan ng maayos na kalusugan ang bagong kardinal upang lalo pang makapaglingkod.
“My heartfelt congratulations to the Most Rev. Pablo Virgilio David, Roman Catholic Bishop of Kalookan and CBCP President, on his appointment as Cardinal…I pray that God blesses him with excellent health and that he continues to foster solidarity among the members of the Roman Catholic Church,” sabi ni Tiangco.
Itinuturing naman ng Tingog Party-list na isang milestone sa Simbahang Katolika sa Pilipinas ang yugtong ito.
Ayon kina Tingog Party-list Representatives Yedda Romualdez at Jude Acidre, bilang pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, ipinakita ni Cardinal David ang pakikiramay, karunungan, at hangarin na tugunan ang pangangailangan ng mga mahihirap.
Positibo rin ang mga mambabatas na ipagpapatuloy ni Cardinal David ang pagiging inspirasyon at mabuting ehemplo hindi lang sa mga mananampalataya kundi sa buong bansa.
“His elevation is a testament to his dedication and the enduring strength of the Church in the Philippines. May God continue to bless Cardinal-Designate David with wisdom, courage, and grace as he assumes this esteemed responsibility in service to the Universal Church,” anila. | ulat ni Kathleen Jean Forbes