Ilang mga residente ng San Juan City ang nagtungo ngayong bisperas ng Undas sa San Juan Cemetery para gunitain ang kanilang yumaong mahal sa buhay.
Batay sa tala ng San Juan PNP, as of 5 PM, umabot na sa mahigit 3,000 ang bumisita sa naturang sementeryo.
Sa naturang sementeryo nakalibing ang ina ni dating Pangulong Joseph Ejercito Estrada na si Doña Mary Ejercito.
Sa ngayon, mahigpit ang latag ng seguridad sa San Juan Cemetery at bukas naman ng umaga pa inaasahan ang dagsa ng mga kabayayan natin na pupunta doon.
Wala pa naman naitatalang untoward incident at wala rin tayong nakitang mga nakumpiskang mga ipinagbabawal na gamit na dala ng mga bumibisita rito.
Gaya ng pagdadala ng baril, mga nakalalasing na inumin, iligal na droga gayundin ang mga bagay na lumilikha ng ingay gaya ng mga radyo at mobile speaker.
Samantala, dinagsa na rin ng mga mamimili ang mga bilihan ng bulaklak sa paligid ng sementeryo.
Ang isang bouquet ay mabibili sa halagang Php100 hanggang Php500 depende sa laki at ayos, pero posibleng tumaas pa ang presyo nito bukas.
Ang mga kandila naman ay mabibili sa halagang Php5 hanggang Php300 depende sa laki at klase.
Bukas ang San Juan Cemetery hanggang mamayang 12 MN at bawal at overnight stay. | ulat ni Diane Lear