Ikakasa bukas, October 14, ng Public Employment Service Office (PESO) sa Muntinlupa ang isang in-house job fair kung saan ilang trabaho ang naghihintay para sa mga residente ng lungsod.
Upang makapag-apply, kinakailangang magrehistro muna sa link na ibinahagi ng PESO Muntinlupa sa Facebook at i-screenshot ang kumpirmasyon matapos ang pag-register dahil magsisilbi itong katunayan ng registration para sa mismong araw ng job fair.
Inaasahan namang magdadala ang mga aplikante ng sapat na kopya ng kanilang mga resumé at nakasuot ng smart casual para sa interview.
Ilan sa mga bukas na posisyon na naghahantay sa mga job seekers ay mula sa admin at clerical works. May opening din para sa mga barista, merchandiser, waiter, janitor, at marami pang iba.
Bukas ang isasagawang “Trabaho para sa Muntilupeño” bukas, araw ng Lunes, sa Ground Floor, Annex Building ng Muntinlupa City Hall magmula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali. | ulat ni EJ Lazaro