Incumbent 1-Rider Party-list Rep. Bonifacio Bosita, tatakbong senador sa Halalan 2025

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inihayag ngayong araw ni Representative Bonifacio Bosita ang kanyang intensyon sa pagtakbo sa Senado para sa Halalan 2025, nang mag-file ito ng kanyang certificate of candidacy (COC) sa Manila Hotel Tent City sa Ermita, Maynila.

Ayon kay Bosita, nitong mga nakaraang araw lamang niya napagdesisyunan na tumakbo sa pagkasenador.

Sinabi rin nito na maglilingkod siya nang patas at walang kinikilingan, bitbit ang adbokasiya ng road safety na kanyang sinimulan noong 2006.

Aniya, laganap ang aksidente sa kalsada at marami ang nang aabuso sa batas.

Aminado si Bosita na isa sa mga pangunahing sanhi ng problema sa trapiko ay ang dami ng mga sasakyan, kaya’t kailangan palakasin ang law enforcement at ang maayos na pagpapatupad ng batas.

Dagdag pa niya, ilan sa mga batas na kanilang itinulak sa Kongreso ang hindi pa naiipasa kaya’t napagpasyahan niyang subukang isulong ito sa Senado. Bagaman independent ang kanyang kandidatura, mananatili siyang kaakibat ng 1-Rider party-list.

Ngayong hapon, inihain na rin ng 1-Rider party-list ang kanilang Certificate of Nomination and Acceptance (CON-CAN), kasama si incumbent Rep. Rodge Gutierrez bilang first nominee. | ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us