Incumbent Marikina 1st District Rep. Maan Teodoro, naghain na ng COC para sa pagka-alkalde ng lungsod

Facebook
Twitter
LinkedIn

Opisyal nang naghain ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) ngayong araw si Incumbent Marikina City 1st District Representative Maan Teodoro para sa pagka-alkalde ng lungsod sa darating na 2025 midterm elections.

Kasamang nagsumite ng COC ni Teodoro ang kaniyang running-mate na si Marion Andres, na tatakbo bilang bise-alkalde ng Marikina gayundin ang kanilang ibang kaalyado sa pagka-konsehal sa Blue Team.

Sa isang panayam, sinabi ni Teodoro na nais niyang ipagpatuloy ang mga nasimulang programa at serbisyo sa Marikina.

Sakali namang palaring manalo ay tututukan umano niya ang mga programa para sa mga kabataan gaya ng sports at mental health, pati na rin ang flood control, at mga programa para sa MSMEs. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us